IBCTV13
www.ibctv13.com

First 1,000 Days ng 4Ps, tuloy na ngayong Enero sa paglabas ng DSWD guidelines

161
Views

[post_view_count]

4Ps beneficiaries (Photo from DSWD)

Inilabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bagong guidelines para sa implementasyon ng First 1,000 Days (F1KD) ng conditional cash grant ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“The DSWD has been very vocal in supporting the Marcos administration’s goal to alleviate hunger and improve the nutritional status of poor and vulnerable Filipinos,” wika ni DSWD Spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao.

“Through the provision of the F1KD grant for qualified beneficiaries, we will be able to improve the health-seeking behavior of our 4Ps beneficiaries and prioritize the needs of young children to prevent stunting and malnutrition,” dagdag niya.

Ayon sa kanya, ang bagong guidelines ay nakasaad sa Memorandum Circular (MC) No. 1 series of 2025 na nilagdaan ni Secretary Rex Gatchalian nitong January 6.

Layon aniya ng karagdagang 4Ps F1KD cash grant na mapaloob ang essential health at nutrition expenses ng ina at anak nito sa panahon ng pagdadalantao o pagbubuntis.

Dagdag na monthly health grants na nagkakahalaga ng P350 para sa buntis na 4Ps beneficiaries at may anak na may edad mula 0 hanggang 2 years old.

Ayon kay Asst. Secretary Dumlao upang matiyak ang kapakanan ng ina at sanggol nito, ang 4Ps F1KD grants ay may mga kondisyon na kailangang sundin batay sa Republic Act No. 11148 o Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act at existing protocols na ipinapatupad ng Department of Health (DOH).

Kabilang sa mga kondisyon ay ang pre-natal services sa mga DOH-accredited health facilities, tracking pregnancy at receiving ante-natal care services, panganganak sa isang DOH accredited health facility, pagdalo sa post-natal visits, pagsama sa mga counseling sessions, at paginom ng mga micronutrient supplements kabilang ang bakuna.

Upang ma-monitor naman ang compliance ng isang 4Ps beneficiaries, sa mga kundisyon na nakasaad sa F1KD, nakatutok dito ang concerned health facilities. ito din ang magiging basehan para mairelease ang monthly cash grants.

Para naman sa mga nasa malalayong beneficiaries o yaong mga nakatira sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA), ang concerned health worker ang siyang tututok at magbibigay ng health and nutrition interventions para sa mga beneficiaries.

Ang 4Ps F1KD ay nakatakdang simulan ngayong January. (AKDL)

Related Articles

National

Jerson Robles

82
Views

National

Jerson Robles

86
Views