IBCTV13
www.ibctv13.com

Force evacuation, ipinag-utos ng DILG sa LGUs bilang paghahanda sa Typhoon Marce

Divine Paguntalan
116
Views

[post_view_count]

(Photo by PAF)

Mahigpit na ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government unit (LGU) na magpatupad ng force evacuation sa mga lugar na inaasahang maaapektuhan ng Typhoon Marce.

Sa isang memorandum na inilabas ng ahensya, inabisuhan nila ang mga lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan na sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) para magsagawa ng pre-disaster risk assessments sa mga lugar na ‘prone’ sa baha, flash-flood, landslide at iba pang hydrometeorological hazards.

Binigyang-diin din ng DILG na prayoridad ng mga lokal na pamahalaan ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan lalo na para sa mga bata, nakatatanda, buntis at may kapansanan.

Samantala, nagpaalala naman ang ahensya sa publiko na sundin ang mga awtoridad sa paglikas habang hindi pa malala ang mga pag-ulan o pagbaha sa kanilang lugar upang hindi na isaalang-alang ang kanilang kaligtasan.

Batay sa 8:00 a.m. Tropical Cyclone Bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bahagya pang lumakas ang bagyong Marce habang nasa dagat sa silangan ng Aparri, Cagayan at inaasahang tatama ito sa bahagi ng Babuyan Islands o hilagang bahagi ng Mainland Cagayan, Ilocos Norte at Apayao mamayang hapon o bukas. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

53
Views