IBCTV13
www.ibctv13.com

FPRRD, inaresto kasunod ng ICC warrant ukol sa ‘EJK’

Divine Paguntalan
357
Views

[post_view_count]

Former President Rodrigo Duterte / Official copy of the warrant of arrest from the ICC (Photo from Kitty Duterte/Instagram; ICC)

Tuluyan nang nasilbihan ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte paglapag sa NAIA Terminal 3 mula sa kanilang Hong Kong trip ngayong Martes, Marso 11.

Sa opisyal na pahayag ng Malacañang, natanggap ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa ICC kaninang madaling araw, na naglalaman ng kasong krimen laban sa madugong war on drugs ng administrasyong Duterte noon.

“Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan,” pahayag ng Malacañang.

“Ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno. Sinigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan,” dagdag ng Palasyo.

Naging mahigpit naman ang seguridad sa paliparan upang tiyakin ang maayos at mapayapang pag-aresto sa dating Pangulo.

Kaugnay nito, tiniyak din ng Palasyo na may suot na body cameras ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) na nagpatupad ng warrant upang matiyak ang integridad ng operasyon.

Sa ngayon, pansamantalang nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Duterte habang hinihintay ang pagsisimula ng ligal na proseso ng mga lokal at internasyonal na korte. – VC

Related Articles