IBCTV13
www.ibctv13.com

FPRRD, muling tatakbong alkalde ng Davao City sa Halalan 2025

Ivy Padilla
706
Views

[post_view_count]

Former President Rodrigo Roa Duterte, together with his son, Davao City Mayor Sebastian Duterte (Photo by PNA/File)

 

Inanunsyo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang muling pagtakbo bilang mayor ng Davao City sa darating na 2025 Local and National Elections. 

Sa isang press conference sa Davao City nitong Sabado ng gabi, Oktubre 5, inamin ni Duterte na hindi na niya kayang tumakbo sa national election dahil sa kanyang edad. 

“I think at my age, mukhang hindi ko na kaya. Let us be realistic about it,” saad ng dating Pangulo. 

Ito ay sa gitna ng mga balitang tatakbo umano sa pagka-senador si Duterte kasama ang kanyang dalawang anak na sina Davao City Mayor Sebastian Duterte at Davao City 1st District Cong. Paolo Duterte. 

Gayundin sa mga lumabas na poll survey kung saan kasama ang pangalan ng dating Pangulo sa mga napupusuan ng publiko na maging senatorial candidate.

“Hindi na ako babalik ng politika. Tapos na po ako. Laos na ako. Wala na akong panggastos, wala na lahat,” saad ni Duterte. 

Makaka-tandem niya sa midterm elections ang anak na si Sebastian na tatakbo naman bilang vice mayor ng lungsod. 

Bago pa maging Pangulo ng Pilipinas, ilang magkakasunod na termino nang naupo bilang alkalde ng Davao City si FPRRD. –VC

Related Articles