IBCTV13
www.ibctv13.com

Franchise renewal ng IBC 13, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Senado

Divine Paguntalan
140
Views

[post_view_count]

(IBC 13 file photo)

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang House Bill No. 6505 na naglalayong bigyan ng franchise renewal ang Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC 13) para sa susunod na 25 taon.

Sa plenary session ng senado nitong Miyerkules, Enero 22 ay binigyang-diin ng sponsor ng HB No. 6505 na si Senator Raffy Tulfo na posibleng tumaas sa P3-bilyon ang value ng network sa susunod na 25 taon.

Inihayag din ni Tulfo na dumaan sa ilang pagsubok ang network sa mga nakalipas na taon.

Pagbibigay-diin ng bsenador, sa ilalim ng bagong pamunuan, marami nang pagbabago ang naganap, kabilang na ang pagbili ng mga makabagong kagamitan, bagong mga programa, at ang pagbabayad sa 164 retirees mula sa P500 million na ibinigay ng gobyerno.

Suportado rin ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel ang franchise renewal ng IBC 13 na aniya’y may malaki ang potensyal na maging mas competitive kasabay ng pagtaas pa ng value nito sakaling magpasya ang pamahalaan na i-privatize na ang kumpanya.

“We are supportive actually of this idea of giving a new 25-year franchise to IBC. Even if IBC remains in government hands, the current management has grand plans for IBC,” saad ni Pimentel.

Dagdag pa niya na kung mabibigyan ng bagong prangkisa ang IBC 13 ay magbibigay-daan ito para sa mas maayos na operasyon, oportunidad sa mga empleyado at mas maging kapaki-pakinabang bilang source of information ng publiko.

Nakatakdang matapos ang prangkisa ng IBC 13 ngayong Setyembre 2025. – AL

Related Articles

National

93
Views

National

Divine Paguntalan

89
Views

National

Divine Paguntalan

245
Views