IBCTV13
www.ibctv13.com

GCash, nagpatupad ng transaction limit vs vote buying ngayong 2025 midterm elections

Divine Paguntalan
97
Views

[post_view_count]

Send Money feature on GCash application. (IBC file photo)

Pansamantalang magpapatupad ang FinTech giant at electronic wallet (e-wallet) company na GCash ng daily transaction limit upang mapanatili ang malinis at patas na National and Local Elections (NLE) sa darating na Mayo 2025.

Alinsunod ito sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 11104 na layong iwasan ang vote-buying at iba pang maling paggamit ng pera na maaaring iugnay sa mga kandidatong tumatakbo sa pagkapulitiko.

Ipatutupad ang naturang transaction limit sa lahat ng rehistradong personal at business accounts na magtatagal hanggang sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 12.

Malalaman ng users kung naabot na ang itinakdang limit kapag hindi na nila magamit ang ilang ‘Send Money’ services kabilang ang Express Send at Send via QR at babalik lamang kinabukasan.

Ang hakbang ng naturang e-wallet company ay bahagi ng pagsisikap na mapanatili ang integridad ng eleksyon at maiwasan ang impluwensya ng pera sa boto ng mamamayan. – VC