Isinusulong ngayon ng Senado ang reporma sa “Rightsizing the National Government Act” kung saan dapat mapabilang ang organisasyon ng mga guro, pulis, at sundalo.
Ang rightsizing ay tumutukoy sa paglikha ng bagong posisyon at upskilling o pagpapahusay ng kakayahan ng mga empleyado kasama na ang pagsasaayos ng ahensya upang maiwasan ang pagkakapareho ng job positions at nang mapaganda ang serbisyo.
Sa kasalukuyang batas, exempted ang mga guro, pulis, at sundalo mula sa rightsizing.
Binigyang-diin ni Senate President Chiz Escudero na kailangan repasuhin ang kanilang mga organisasyon para ma-maximize ang kanilang trabaho.
Aniya, may mga posisyon sa hanay ng pulis, sundalo, at guro na hindi tumutugma sa aktuwal nilang trabaho.
“I’ll give you an example: lahat ng bantay sa kampo, sundalo. Dapat security guard yun e, hindi trabaho ng sundalo ang trabaho ng security guard,” saad ni Escudero.
Tinukoy din ng Senate President ang isyu sa mga guro na nagiging principal pero nananatili sa teaching item kahit hindi na nagtuturo.
“Their position as principal is still counted as a teaching position, but they’re not teaching anymore. Which is unfair, to say the least, for teachers who are actually performing that function,” wika ni Escudero.
Iginiit ni Escudero na dapat gawing patas ang sistema at masigurong nalulubos ang talento ng bawat empleyado.
“Rightsizing does not only mean abolishing positions or reducing the number. It can include creating new positions, new offices, upgrading, upskilling, etc.,” sabi ni Escudero.
Sinang-ayunan naman ito ni Senator Sherwin Gatchalian na nagsabing mayroon na silang tinatrabaho na isang panukalang batas na magbibigay ng malinaw na career path para sa mga guro.
“Mr. Chairman, we’re actually working on a bill to come up with a clear career path for teachers, administration, and supervision. We’re in the middle of a technical working group, and later on, we’ll be sponsoring that on the floor,” saad ni Gatchalian.
Sa pamamagitan ng rightsizing, mapapalakas ang serbisyo ng gobyerno para sa publiko. – JR/VC