IBCTV13
www.ibctv13.com

Halos P14-T halaga ng pera, pumasok sa InstaPay, PESONet as of October – BSP

Ivy Padilla
128
Views

[post_view_count]

Photo by Roen Yuen, IBC News

Lumabas sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pumalo sa kabuaang P13.99-trilyong halaga ng transaksyon ang ginawa sa pamamagitan ng automated clearing houses na InstaPay at PESONet sa unang 10 buwan ng 2024.

Ito ay mas mataas kumpara sa P10.39-trilyong halaga na pumasok sa parehong panahon noong 2023.

Tumaas din ng 62.3% ang bilang ng ginawang transaksyon sa dalawang electronic funds-transfer system na nagresulta sa pag-akyat ng volume sa 1.19-bilyon mula sa 733.5-milyon noong nakaraang taon.

Sa PESONet, tumaas sa P8.17-trilyong halaga ng transaksyon ang naitala habang nasa 82.5-milyon naman ang volume sa pagtatapos ng Oktubre.

Nasa P5.82-trilyong halaga naman ng pera ang naitala sa InstaPay kung saan tumaas din ang bilang ng ginawang transaksyon dito patungong 1.1-bilyon.

Inilunsad ang InstaPay at PESONet noong Disyembre 2015 sa ilalim ng National Retail Payment System framework ng central bank.

Ang InstaPay ay isang real-time at low-value electronic fund transfer na ginagamit para sa hanggang P50,000 halaga ng transaksyon habang kaya naman mag-cater ng PESONet ng high-value transaction kung saan itinuturing itong alternatibo sa paper-based checks. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

116
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

331
Views