IBCTV13
www.ibctv13.com

Halos P2-M jackpot sa 6D Lotto, nasungkit ng isang lucky bettor mula Batangas

Divine Paguntalan
131
Views

[post_view_count]

Solong mag-uuwi ang isang lucky bettor mula Balayan, Batangas ng tumataginting na P1,894,600 sa 6D lotto draw na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Mayo 21.

Nahulaan ng mananaya ang winning numbers na 5 – 5 – 0 – 5 – 2 – 0.

Samantala, bigong mahulaan ang winning combination ng tatlong major games na Ultra Lotto 6/58, Super Lotto 6/49, at Lotto 6/42 nitong Martes. 

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)

– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)

– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)

– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)

– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC