Nagbuga ng abo ang Kanlaon Volcano sa Negros Island kaninang 12:37 ng madaling araw na tumagal hanggang 1:00 a.m. ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nagdulot ito ng 200 metrong taas ng abo na napadpad sa direksyong timog-kanluran (SW).
Samantala, naitala rin sa bulkan ang dalawang pagbuga ng abo na tumagal ng 12 hanggang 13 minuto batay sa naging 24 oras na pagmamanman ng ahensya.
Bukod pa ito sa 12 volcanic earthquakes kabilang na ang isang volcanic tremor na may limang minuto ang haba, gayundin sa 2,302 toneladang asupre at 150 metrong taas ng abo na inilabas nito.
Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Kanlaon.