IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit 2,000 trabaho, hatid ng binuksang Maersk Distri Center – PBBM

Alyssa Luciano
265
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos leads the opening of the Maersk Optimus Distribution Center in Calamba, Laguna (Screengrab from RTVM)

Ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahigit 2,000 mga trabaho ang inaasahang makukuha ng mga Pilipino mula sa kabubukas lamang na Maersk Optimus Distribution Center sa Calamba, Laguna ngayong Miyerkules, Oktubre 30.

Ito ang isa sa mga pinakamalaking logistics center sa Pilipinas na inaasahang magpapalakas sa import at export activities ng Region IV-A (CALABARZON) at Bicol Region.

Sinabi pa ng Pangulo na magiging tulay ang logistics hub para sa decongestion ng Maynila kasabay ng pagdadala ng mga oportunidad na makatutulong para sa mga Pilipino.

“This strategic location in Calamba, aligns with our efforts to decongest Manila and to unlock the economic potential in the countryside.With this project, it is our citizens who stand to benefit the most. For many Filipinos, it opens many new doors,” saad ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr. tinatayang 1,000 direct employment ang maibibigay sa mga komunidad na nakapaligid dito habang 1,000 indirect employment naman ang magbubukas sa mga nagtitinda pati na sa mga service provider tulad ng mga nag-o-operate ng truck at iba pa.

Sa huli ay pinasalamatan niya ang Maersk Philippines at ang Solid Group Incorporated para sa inisyatibo na bumuo ng maaasahang industriya ng ‘end-to-end supply chain’ sa bansa.

Umaasa rin ang Pangulo na sa pamamagitan ng Maersk Optimus Distribution Center ay mas darami pa ang magkakaroon ng interes na mamuhunan sa sektor ng logistics sa Pilipinas – VC

Related Articles