IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit 20,000 abot-kayang housing units, bubuksan ng Pag-IBIG Fund Central Luzon sa housing fair sa Pampanga

Khengie Hallig
135
Views

[post_view_count]

Photo from PIA

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagkakaroon ng abot-kayang sariling tahanan, higit 20,000 housing units ang bubuksan sa idaraos na Pag-IBIG Regional Housing Fair for Central Luzon sa LausGroup Event Centre, Pampanga sa darating na Marso 18-19.

Tampok sa gaganaping fair ang socialized housing units na mayroong buwanang bayad na aabot lamang sa P3,411 sa ilalim ng 3% subsidized interest rate ng Expanded 4PH Program, kung saan kwalipikado ang mga pamilyang may buwanang kita na hindi bababa sa P11,443 kada buwan.

Ibibida rin ng mga kasaling developer ang mga house and lot unit na aabot sa P1.8 milyon na mayroong 4.5% interest rate, at may buwanang bayarin na hindi bababa sa P9,120 kada buwan.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Board Chairman Jose Ramon Aliling, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disente at abot-kayang tirahan ang bawat pamilyang Pilipino.

Dagdag naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, paraan ito upang mapalawak ang mga housing opportunity sa iba’t ibang panig ng bansa at tulungan ang mga Pilipinong magkaroon ng sarili nilang tahanan.

Bukod sa mga proyektong pabahay mula sa mga kalahok na developer, itatampok din ng ahensya ang higit 3,000 acquired assets sa mas pinababang halaga, kasama ang mga promotional offer mula sa mga katuwang na developer.

Bukas ang housing fair mula 8:00 a.m. sa Marso 18-19, kung saan inaabisuhan ang lahat ng dadalo na magdala ng isang valid ID at proof of income. – MP

Related Articles

National

Kristel Isidro

114
Views

National

Khengie Hallig

525
Views