IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit 3,000 aspiring candidates, nagpasa ng COC sa unang araw ng filing para sa 2025 midterm election

Ivy Padilla
508
Views

[post_view_count]

Filing of Certificate of Candidacy of Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde as he seeks re-election on Tuesday, October 1. (Photo by PTV)

Umabot sa kabuuang 3,259 aspiring candidates ang nag-file ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) para sa May 2025 National and Local Elections sa unang araw ng pagbubukas ng pasahan nito kahapon, Oktubre 1.

Batay sa preliminary report ng Commission on Elections (COMELEC) as of 7:30 p.m. nitong Martes ay umabot na sa 17 senatorial candidates at 15 partylist ang nag-file ng COC sa ilalim ng National Elections.

Sa Local Elections naman, umabot na sa 69 ang bilang ng mga nais kumandidato at nagpasa ng kanilang kandidatura para sa kongresista upang maging bahagi ng House of Representatives.

Bukod dito, 16 indibidwal din ang tatakbo sa pagka-gobernador; 12 bilang vice-governor; 129 bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan; 325 bilang mayor; 299 bilang vice-mayor at 2,392 bilang miyembro naman ng Sangguniang Panlungsod o Bayan.

Sa kabuuan ay mayroong 18,280 na pwesto mula sa national hanggang sa local offices na kinakailangang mapunan sa darating na midterm election sa Mayo 12, 2025.

Related Articles