IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit 30,000 foreclosed properties na may hanggang 40% discount, alok ng Pag-IBIG Fund

Ivy Padilla
160
Views

[post_view_count]

Photo by Pag-IBIG Fund

Nag-aalok ang Pag-IBIG Fund ng mahigit 30,000 foreclosed property na may malalaking diskwento sa mga nais bumili ng bahay hanggang Disyembre 14, 2025.

Ayon sa home financing agency, maaring makakuha ng hanggang 40% discount sa mga occupied unit habang hanggang 35% naman ang ibabawas sa mga unoccupied unit.

Bukas ang big sale para sa lahat — miyembro man o hindi, kasama na rito ang mga nanalong bidder ng property, mga direct buyer na naimbitahang bumili o umupa, at mga umuupa na gusto nang bilhin ang isang ari-arian at magbabayad ng buo o hulugan.

Kinakailangan lamang kumuha ng mga interesadong indibidwal ng buyer ID sa pamamagitan ng online public auction registration.

Ang mga mananalong bidder at mamimili ay kailangang kumpletuhin agad ang kanilang bayad batay sa piniling mode of payment tulad ng one-time cash payment sa loob ng 30 araw, short-term installment ng 12 buwan, o long-term installment sa pamamagitan ng housing loan.

Bahagi ang super sale ng Pag-IBIG Fund sa mas pinalawak na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program na layong bigyan ang mga manggagawang Pilipino ng mura at kalidad na mga tahanan. – VC

Related Articles