Personal na ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P42-milyong halaga ng cash assistance para sa 4,233 magsasaka at mangingisda sa Cavite na naapektuhan ng nagdaang Severe Tropical Storm Kristine at Super Typhoon Leon ngayong araw, Nobyembre 14.
Lahat ng benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-P10,000 tulong pinansiyal na magagamit para makabangon mula sa mga nasirang tirahan at kabuhayan.
Tiniyak ng Pangulo na hindi tumitigil ang pamahalaan sa paghahatid ng kinakailangang tulong ng mga Pilipinong nasalanta ng sunud-sunod na bagyo.
“Patuloy ang ating pagsusumikap maibalik sa normal ang kalagayan ng mga Caviteño at mga karatig na probinsya ng Calabarzon,” bahagi ng mensahe ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Tagaytay International Convention Center, Tagaytay City.
“Hinihikayat ko kayong lahat na manatiling matatag, magtulungan po kayo, at huwag mawalan ng pag-asa—dahil ang pamahalaan ay kasama ninyo sa bawat hakbang ng inyong pagbangon,” dagdag niya.
As of November 12, umabot na sa higit 66,700 pamilya sa Cavite ang naapektuhan ng STS Kristine at ST Leon o katumbas ng higit 261,000 indibidwal. – VC