Muling pinagtibay ng mga kumpanya sa United Arab Emirates (UAE) ang planong pamumuhunan sa Pilipinas ng higit P25 billion ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Acting Secretary Ma. Cristina Roque.
Sa pagbisita ni Roque sa UAE mula Oktubre 3-5, ipinaabot ng DP World (Dubai-based logistic firm) at Masdar (Abu Dhabi-based clean energy company) na determinado pa rin sila sa planong mamuhunan sa bansa.
Maliban sa proyekto na Asian Terminal, Inc. sa Tanza, Cavite, plano pang palawakin ng DP World ang kanilang ports development.
“They’re also willing to invest up to PHP25 billion in the Philippines. That’s the maximum investment they are looking into for port opportunities,” saad ni Roque.
Nasa P600 million naman ang halaga ng pamumuhunan ng Masdar sa Pilipinas para palaguin ang renewable energy sa bansa partikular na sa solar, wind, at battery.
Ayon pa kay Roque, naghahanap ang Masdar ng nasa 50-hectare na lupain upang bumuo ng RE development sa bansa.
Nagkaroon din ng pagkakataon si Roque na bumisita sa mga merkado sa Dubai tulad ng Al Maya at Carrefour upang pag-aralan ang oportunidad na maipasok ang mga Filipino brands. —VC