Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang ‘Philippines: Health System Resilience Project, Phase 1’ program ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Oktubre 16.
Layon nitong mapahusay ang ‘health emergency prevention, preparedness, and response’ sa mga mahihirap na lugar sa bansa.
Pinuri ng punong ehekutibo ang DOH para sa program na nagsilbi aniyang aplikasyon ng mga aral na natutunan ng bansa noong nakaraang pandemya dahil sa COVID-19.
“Maganda ito kasi specific to the Philippines. It’s not a general … (it is) specific even to the area,” saad ng Pangulo.
Aabot sa P27.921-bilyon ang halaga ng programa na nakatakdang isagawa ang pilot run sa 17 probinsyang tinukoy ng ahensya na may mahirap na access sa healthcare. -VC