IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit P46-M halaga ng tulong, hatid ni PBBM sa mga biktima ng bagyo sa Oriental Mindoro

Ivy Padilla
101
Views

[post_view_count]

Farmers, fisherfolk and families affected by Tropical Storm Kristine and Super Typhoon Leon gathered at the Abada College Gymnasium in Pinamalayan, Oriental Mindoro for the PAFF distribution. (Photo by PIA MIMAROPA)

Umabot sa P46.14-milyong halaga ng tulong pinansyal ang ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga magsasaka, mangingisda at pamilyang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Kristine at Super Typhoon Leon sa Oriental Mindoro.

Kinilala ni Pangulong Marcos Jr. ang katatagan at pagkakaisa ng mga Pilipino sa gitna ng mga pagbusok na dala ng mga nagdaang kalamidad.

“Sa kabila ng hirap at hamon na dulot ng bagyong Kristine at Leon, muling ipinakita ng ating mga kababayan ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa. Ngunit, batid kong marami pa ang kailangan nating gawin upang makabangon muli sa mga [pagsubok] na ito,” mensahe ng Pangulo sa distribusyon ng Presidential Assistance to Farmers, Fishermen, and Families (PAFF) sa probinsiya.

Umaasa ang lider na makatutulong ang ipinagkaloob na tig-P10,000 halaga ng financial assistance sa halos 5,000 benepisyaryo ng programa.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga Pilipino na patuloy suportahan at tulungan ang bawat isa hanggang tuluyang makabangon mula sa epekto ng kalamidad.

“Ang inyong lakas sa kabila ng ganitong hirap ay nagbibigay sa amin ng determinasyon upang ipatuloy na kayo’y silbihan nang [buong] puso,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

“Mga kababayan, ang pamamahagi ng tulong na ito ay tanda ng ating panata sa isa’t isa—na kahit anong mangyari, tayo ay laging magtutulungan. At ang pagbangon mula sa ganitong sakuna ay nakasalalay sa bawat isa sa atin,” dagdag nito. – VC