May tyansa ka pang maging milyonaryo matapos walang manalo ng tumataginting na P59,066,846.80 jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa 9:00 p.m. draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Pebrero 10.
Hindi nahulaan ng mga mananaya ang winning combination na 53 – 24 – 31 – 50- 6 – 22.
Bigo namang mapanalunan ang P8,910,000 jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na may winning digits na 39 – 10 – 38 – 16 – 15 – 24.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC