IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit P70.7-M ayuda, naihatid ng DSWD sa mga biktima ng bagyong Nika, Ofel, Pepito

Divine Paguntalan
178
Views

[post_view_count]

Evacuees from Casiguran, Aurora received family food packs from DSWD. (Photo by DSWD Field Office 3)

Pumalo na sa P70,788,219.63 ang kabuuang halaga ng humanitarian assistance o ayuda na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga biktima ng nagdaang Typhoon Nika, Super Typhoon Ofel, at Super Typhoon Pepito.

Batay sa DROMIC Report ng DSWD as of 6:00 a.m. ngayong Lunes, Nobyembre 18 , mayroon pa itong P196,945,635.69 halaga ng standby funds habang nasa P2,090,350,560.69 naman ang halaga ng food at non-food items na nakalaan para sa apektado ng mga naturang bagyo.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 295,576 pamilya ang naapektuhan ng mga nagdaang Typhoon Nika, Super Typhoon Ofel at Super Typhoon Pepito sa bansa.

Ang bilang na ito ay katumbas ng 1,145,942 indibidwal mula sa anim (6) na rehiyon kabilang ang Region I, II, III, V, MIMAROPA at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon sa NDRRMC, maaga namang nailikas mula sa mga ‘high-risk’ na lugar ang 695,108 katao bago pa man maramdaman ang matinding epekto ng mga bagyo lalo na ng katatapos lang na STY Pepito.

Bagaman palabas na ang bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR), nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang lugar sa Luzon:

Kaugnay nito, tuluy-tuloy sa pamamahagi ng tulong ang pamahalaan para sa mga komunidad na nasalanta kung saan kabilang sa mga tulong ay ang family food packs (FFPs), cash assistance, at medical assistance. – AL

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

70
Views

National

Divine Paguntalan

85
Views