IBCTV13
www.ibctv13.com

Hiling na imbestigasyon ng ICC sa ‘war on drugs’ ni FPRRD, hindi pipigilan ng Marcos Jr. admin

Ivy Padilla
169
Views

[post_view_count]

Former President Rodrigo Duterte attended the 11th joint hearing of the House Quad Committee on Wednesday, November 13. (Photo by House of Representatives)

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kampanya ng iligal na droga ng nakaraang administrasyon maliban kung pahihintulutan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na hindi niya pipigilan ang ICC kung nais ni Duterte magpa-imbestiga.

“If ‘yun ang gugustuhin ni PRRD ay hindi naman kami haharang doon sa mga ICC. Hindi lang kami tutulong. Ngunit kung pumapayag siya na makipag-usap siya o magpa-imbestiga siya sa ICC ay nasa kanya ‘yun. Wala na kaming desisyon doon,” saad ng Pangulo sa isang panayam ngayong Huwebes, Nobyembre 14.

Patuloy aniya ang ginagawang imbestigasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa anti-drug campaign ni Duterte.

Ang mga bagong pahayag at testimonya naman ng dating Pangulo sa pagdinig ng House Quad Committee nitong Miyerkules, Nobyembre 13, ay muling susuriin ng Department of Justice (DOJ).

“But you know, all of the testimony that was given yesterday really – will be taken in and will be assessed to see what – in legal terms, what is the real meaning and consequence of some of the statements made by PRRD,” ani Pangulong Marcos Jr.

Nanindigan si Pangulong Marcos Jr. na hindi nagbago ang posisyon ng Pilipinas na hindi makipagtulungan sa anumang imbestigasyon ng ICC.

Gayunpaman, nangako ang lider na susunod ang bansa sa mga obligasyon nito sa International Criminal Police Organization (Interpol). – VC

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

92
Views

National

Divine Paguntalan

92
Views