IBCTV13
www.ibctv13.com

Hindi bababa sa 62 katao, patay sa plane crash sa South Korea

Ivy Padilla
990
Views

[post_view_count]

A plane that went off the runway at Muan International Airport in Muan, South Jeolla Province, South Korea on December 29. (Photo by Reuters via VOA)

Nasawi ang hindi bababa sa 62 indibidwal matapos lumihis sa runway at sumabog ang Jeju Air flight 7C2216 habang pa-landing sa Muan International Airport sa South Korea ngayong Linggo ng umaga, Disyembre 29. 

Lulan ng nasabing eroplano ang kabuuang 175 pasahero at anim na crew galing sa Bangkok, Thailand ayon sa ulat ng South Korea’s transport ministry.

Sa ngayon ay nasa 58 na mga bangkay ang narekober na ng mga awtoridad kung saan nilinaw na hindi pa ito ang opisyal na bilang. 

Maswerte namang nakaligtas ang dalawang sakay ng nadisgrasyang eroplano ayon sa isang national fire agency.

Sa inisyal na ulat ng mga opisyal ng nasabing paliparan, posibleng nag-malfunction ang landing gear ng eroplano dahil sa ‘bird strike’.

Nagpapatuloy ang ginagawang rescue operations sa pinangyarihan ng aksidente. 

Related Articles

International

Divine Paguntalan

134
Views

International

Divine Paguntalan

277
Views