IBCTV13
www.ibctv13.com

House hearing ng Blue Ribbon Committee, ipagpapaliban para sa pagharap ni VPSD sa NBI bukas

Divine Paguntalan
232
Views

[post_view_count]

Vice President Sara Duterte attended the Committee on Good Government and Public Accountability hearing on the alleged misuse of OVP & DepEd’s confidential funds on November 25, 2024. (Screengrab from HOR)

Ipinagpaliban na ng House Blue Ribbon Panel ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability upang bigyang-daan ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng kahilingan ni VP Duterte na i-reschedule ang subpoena ng NBI upang magpaliwanag sa kanyang death threat kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez, dahil sasabay aniya ito sa pagdinig ng Kamara sa Biyernes, Nobyembre 29.

Ayon sa mga kongresista, mahalagang masagot ng Bise Presidente ang mga kaukulang tanong ng NBI kaugnay sa kanyang mga naging matapang na pahayag laban sa administrasyon kamakailan dahil isa itong banta sa pambansang seguridad.

“These are serious allegations that demand Vice President Duterte’s full attention and cooperation. The House Blue Ribbon Committee’s hearing can be rescheduled to allow the Vice President to focus on the NBI inquiry without distraction,” naunang pahayag ni Pammy Zamora, House Assistant Majority Leader at Taguig 2nd District Representative.

Bagaman mahalaga rin ang isinasagawang pagdinig ng Kamara dahil kaugnay naman ito sa ‘misuse’ ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) noong kalihim pa sa ahensya ang Bise Presidente, maaari itong ilipat ng ibang araw upang maipaliwanag na ni Duterte ang kanyang panig.

Sa ngayon, wala pang detalye kung kailan ang susunod na pagdinig ng komite. – VC