IBCTV13
www.ibctv13.com

House Speaker Romualdez, pinuri ang paglagda ni Pangulong Marcos Jr. sa bagong batas sa corporate tax

Divine Paguntalan
167
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. signed CREATE MORE into law on November 11, 2024. (Photo by PCO)

Ikinatuwa ni House Speaker Martin Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang batas sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises – Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE).

Bilang isa sa principal author ng bagong batas, malaking tulong aniya ang CREATE MORE para palakasin ang kumpiyansa ng mga lokal at dayuhang investor na mamuhunan sa Pilipinas kahit sa mga maliliit at lokal na negosyo dahil isasaayos ng batas ang kalakaran sa buwis.

Dagdag ni Romualdez, kadikit ng magandang sistema ng pagnenegosyo sa bansa ay ang pagkakaroon ng karagdagang oportunidad at trabaho para sa mga Pilipino kaya hindi lamang limitado sa mga negosyante ang benepisyo ng batas.

“We hope the changes will satisfy our existing investors and entice more foreign capitalists to invest in the country. The enactment of the new law signals our unwavering commitment to keep and attract investments that will preserve jobs and create more opportunities for our people,” mensahe ng House Speaker.

Tiniyak din niya na ang mga repormang alok ng CREATE MORE Law ay nagpapakita ng dedikasyon ng pamahalaan upang mapanatili ang pag-usbong ng ekonomiya gayundin ang magbigay ng tuluy-tuloy na oportunidad para sa mga susunod pang henerasyon sa kabila ng mabilis na pagbabago at dumarating na hamon sa ekonomiya ng buong mundo. – VC