IBCTV13
www.ibctv13.com

Ibalik ang LGU clearance upang masiguro ang kalidad ng mga proyektong imprastraktura — PBBM

Hecyl Brojan
49
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. inspected the flood control project in Calumpit along with DPWH-Bulacan 1st District Engineering Office. (Photo from PCO)

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling aprubahan ng lokal na pamahalaan bago ideklarang kumpleto ang anumang pambansang proyekto sa imprastraktura.

Ayon sa Pangulo, ang hakbang ay tinanggal sa nakaraang administrasyon, na nagresulta sa kakulangan ng epektibong pagsubaybay at katiyakan sa kalidad ng mga proyekto.

“Babalik natin ito dahil isa ito sa pinakamabisang paraan para masiguro na maayos at tama ang pagkakagawa ng proyekto,” ani Marcos.

Binigyang-diin niya na mas may kakayahan ang LGU na suriin ang proyekto dahil wala silang personal na interes at matitiyak ang tamang sukat at kalidad ng mga materyales.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo ang mandato ng bagong Independent Commission for Infrastructure (ICI) na imbestigahan ang anomalya sa flood control at iba pang DPWH projects sa nakalipas na 10 taon.

Ang ICI ay may kapangyarihan na maglabas ng subpoenas at magsuri ng dokumento, ngunit hindi sila direktang magpo-prosecute ng kaso.

Magtatagpo rin ang komisyon araw-araw upang mapabilis ang imbestigasyon at maibigay agad ang mga rekumendasyon.

Tiniyak naman ng Pangulo na ang mga pondo mula sa pagkansela ng lahat ng flood control projects sa 2026 ay ilalaan sa edukasyon, agrikultura, kalusugan, pabahay, ICT, paggawa, enerhiya, at iba pang social programs bilang bahagi ng reporma sa sistema ng pamamahala ng imprastraktura sa bansa. –VC

Related Articles