Nananatiling positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang ilang coastal areas sa bansa, batay sa shellfish bulletin na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Lunes, Oktubre 7.
Kabilang sa mga baybaying-dagat na apektado ng red tide ang mga sumusunod:
– Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur
– Coastal waters of Daram Island
– Zumarraga Island
– Irong-Irong Bay
– Cambatutay Bay in Samar
– Matarinao Bay in Eastern Samar
– Carigara Bay in Leyte
– Coastal waters of Tungawan in Zamboanga Sibugay Province
– Maqueda Bay in Samar
– Lianga Bay in Surigao del Sur
Nagpositibo rin sa red tide ang coastal waters ng Biliran Island sa Biliran Province.
Mahigpit na ipinagbabawal ng BFAR sa mga nabanggit na lugar ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish dahil hindi ito ligtas kainin.
Pinapayagan naman ang pagkonsumo ng isda, squid, shrimp at crabs basta’t tiyaking nahugasan nang mabuti bago lutuin at kainin. -VC