IBCTV13
www.ibctv13.com

Imbestigasyon ng ICC sa ‘War on Drugs’, pinabibilisan ni FPRRD

Alyssa Luciano
191
Views

[post_view_count]

Former President Rodrigo Roa Duterte attended the Quad Committee hearing on Wednesday, November 13. (Photo by House of Representatives)

Hinamon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang International Criminal Court (ICC) na bilisan na ang imbestigasyon kaugnay sa isinagawa niyang ‘War on Drugs’ sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“I’m asking the ICC to hurry up, and if possible, they can come here and start the investigation tomorrow,” hamon ni Duterte sa ICC matapos dumalo sa 11th joint hearing ng House Quad Committee.

Ayon sa dating Pangulo, sakali man na mapatunayang ‘guilty,’ handa siyang makulong sa bilangguan.

Sa datos ng Philippine National Police, mahigit 6,200 na indibidwal ang nasawi sa isinagawang operasyon ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Gayunpaman, makailang ulit nang inako ni FPRRD ang buong obligasyon sa nangyaring madugong kampanya.

“I assume full responsibility for whatever happened in the actions taken by law enforcement agencies of this country to… stop the serious problem of drugs affecting our people,” ani Duterte.

Taong 2019 ng tuluyang umalis ang Pilipinas sa ICC.

Sa kabila nito ay binigyang-diin ng mga appeals judge ng ICC ang hurisdiksyon sa umano’y krimen ng Duterte administration dahil miyembro pa ng international court ang Pilipinas noong panahon na nangyari ito. – VC

Related Articles