IBCTV13
www.ibctv13.com

Imbestigasyon sa pagkamatay ng isang Pinay nurse sa Abu Dhabi, tututukan – DMW

Ivy Padilla
179
Views

[post_view_count]

DWM Secretary Hans Leo Cacdac attended a news forum in Quezon City on Saturday, October 12. (Photo by Earl Tobias, IBC News)

Mariing tututukan ng Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang imbestigasyon kaugnay sa nasawing Filipino nurse sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE) nitong Oktubre 6.

 

Kinilala ang biktima na si Reyna Jane Ancheta, tatlong araw nawawala bago natagpuang wala nang buhay sa isang highway papunta sa Dubai dahil umano sa car accident.

 

Planong isama ng pamahalaan sa paglipad sa UAE ang asawa ng nurse upang personal na masaksihan ang gagawing imbestigasyon hanggang maiuwi ang labi ng kanyang misis sa bansa. 

 

“Iyong kaniyang pagbalik ay nakadepende rin sa imbestigasyon, hindi natin mamadaliin sa ngayon,” saad ni Cacdac sa isang news forum ngayong Sabado, Oktubre 12.

 

“Kaya nga ang ating lunas ay dalhin na lang iyong husband doon para mismo niya masaksihan iyong proseso ng pagpapa-uwi at iyong imbestigasyon. So, willing naman tayo doon,” dagdag nito.

Related Articles

National

Divine Paguntalan

694
Views

National

145
Views

National

Alyssa Luciano

46
Views