IBCTV13
www.ibctv13.com

Impeachment complaint ng civil society groups vs VP Sara, natanggap na ng Kamara

Jerson Robles
224
Views

[post_view_count]

IBC File Photo

Inanunsyo ng Office of the Secretary General ng House of Representatives na natanggap na nila ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na isinampa ng mga civil society groups noong Lunes, Disyembre 2.

Ipinaliwanag ni House Secretary General Reginald S. Velasco na may constitutional obligation ang Kamara na kumilos sa mga ganitong reklamo at hindi isang discretionary act lamang.

“The House of Representatives is constitutionally mandated to act on any impeachment complaint filed in accordance with the 1987 Philippine Constitution,” pahayag ni Velasco.

Ipinunto pa ni SecGen. Velasco ang kahalagahan ng impeachment proceedings sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko at pagtutok sa pananagutan ng mga pampublikong opisyal.

“Impeachment proceedings is vital to preserve the integrity of the institution and affirming the principle that public officials are accountable to the people they serve,” saad ni Velasco.

Kaya’t tiniyak niya sa publiko na ang institusyon ay magpapatuloy nang walang kinikilingan at nang may paggalang sa batas.

Naglalaman ang impeachment complaint ng mga akusasyon laban kay VPSD na may kinalaman sa paglabag sa konstitusyon, malawakang korapsyon, at iba pang mataas na krimen.

Susuriin na ngayon ang complaint batay sa mga alituntunin ng Kamara kabilang ang referral sa naaangkop na komite na siyang magsisiyasat dito.

Panawagan ni Velasco sa lahat ng partido na igalang ang legal na proseso at hayaan itong umusad upang matiyak na ang katotohahan at katarungan ang mananaig.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagdinig ng House Blue Ribbon Committee ukol sa umano’y ‘misuse of confidential funds’ ng Office of the Vice President at Department of Education noong kalihim pa ang Bise Presidente.

Inaasahang magtatagal ng ilang linggo o buwan ang proseso para sa impeachment complaint lalo at papalapit na ang Christmas recess ng Kongreso. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

83
Views

National

Divine Paguntalan

81
Views