IBCTV13
www.ibctv13.com

Implementasyon ng EO No 100, 101, tuluyang magpapalaya sa mga magsasaka, mangingisda mula sa pananamantala

Veronica Corral
70
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. discussed the implementation of the Sagip Saka Act that aims to ensure direct purchase of produce and support for farmers. (Photo from PCO)

Nagdaos ng kauna-unahang joint press conference ang Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR) kaugnay ng pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 100 at No. 101, na layuning palakasin ang kita ng mga magsasaka at mangingisda, at tiyaking may sapat na kita ang mga nagtatanim ng palay.

Sa ilalim ng EO No. 100, itinatakda ang floor price o pinakamababang presyo na maaaring bilhin ang palay mula sa mga magsasaka.

Layunin nitong protektahan sila mula sa mapagsamantalang trading practices at matiyak ang patas na kabayaran para sa kanilang ani.

Ayon kay DA Secretary Francisco Laurel Jr., ang hakbang na ito ay paraan para masiguro ang katatagan ng presyo ng palay at maiwasan ang pagbagsak ng farmgate prices tuwing anihan.

Ipinaliwanag naman ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na malinaw na nakasaad sa EO No. 100 ang pagtatakda ng minimum floor price para sa pagbili ng gobyerno ng palay mula sa mga magsasaka.

“So ang floor price kapag bumili ang local governments, ang national government ng palay depende sa lugar. [Ang] price range, kung fresh ay 17 pesos hanggang 23 pesos, at kung clean and dry, 23 pesos per kilo at hanggang 30 kilo,” ani Pangilinan.

Samantala, ang EO No. 101 naman ay nagpapatupad ng Sagip Saka Act, na naglalayong tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng direktang pagbili ng gobyerno ng kanilang mga produkto—nang hindi na kailangang dumaan sa public bidding.

“[Mayroon] kaming tinatawag na “Program Against Poverty and Hunger”, ang ginagawa namin, kami na ang nagsisilbing middleman ng mga [agrarian reform beneficiaries] at so far nagsa-succeed, mahigit isang billion na ang amount na binibili ng mga malalaking ahensya ng gobyerno at malalaking kumpanya na directly ng ating mga agrarian reform beneficiaries,” saad ni DAR Secretary Conrado Estrella III.

Sa pamamagitan ng dalawang kautusang ito, pinatitibay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapatatag ang sektor ng agrikultura at maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda. (Ulat mula kay Sean Patrick Gupo)

Related Articles

National

Veronica Corral

28
Views