IBCTV13
www.ibctv13.com

Independent commission, itinatag sa ilalim ng EO 94 vs katiwalian sa flood control projects

Divine Paguntalan
121
Views

[post_view_count]

Executive Order No. 94 (left); President Ferdinand R. Marcos Jr. (right) (Photo from PCO)

Naglabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 94 na nagtatatag sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), isang fact-finding body na magsisiyasat sa umano’y katiwalian, iregularidad at maling paggamit ng pondo sa flood control projects at iba pang infrastructure projects sa bansa.

Ang hakbang ay kasunod lamang ng 48 oras matapos ianunsyo ng Pangulo sa kanyang podcast ang nakatakdang pagpangalan sa mga mangunguna sa komisyon upang tugunan ang higit 12,000 reklamo na natanggap sa “Sumbong sa Pangulo” website.

Sa kanyang EO, iginiit ng punong ehekutibo na ang komisyon ay bahagi ng kanyang paninindigan na dapat tapat at may integridad ang serbisyo publiko sa ilalim ng kanyang administrasyon, alinsunod sa mandato ng Konstitusyon na ang public office ay isang public trust.

“The Administration is firmly committed to maintaining honesty and integrity in public service, and will take decisive measures to repress and hold accountable government officials and employees, and any other individual, who engage in graft, corrupt practices, or other acts that undermine the national interest and betray the people’s trust,” saad sa EO.

Inaatasan din ang ICI na magbigay ng buwanang ulat sa Malacañang sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary, at maglathala ng kanilang mga nagawa upang mapanatili ang transparency.

Mananatiling epektibo ang operasyon ng ICI hanggang sa matapos nito ang mandato o hanggang sa ito’y buwagin ng Pangulo. – VC