
Naitala sa 0.9% ang inflation rate sa Pilipinas para sa buwan ng Hulyo 2025, batay sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ang pinakamabagal na antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa loob ng halos anim na taon, at unang pagkakataon na bumaba sa ‘line of zero’ ang inflation rate mula noong Oktubre 2018 nang maitala noon ang 0.8% na antas nito.
Batay sa PSA, mas mabagal ang inflation rate para sa naturang buwan kumpara sa 1.4% noong Hunyo 2025 at malayo sa 4.4% na naitala noong kaparehong buwan noong nakaraang taon (2024).
Ayon sa PSA, ang pagbaba ng inflation ay pangunahing bunga ng mas mabagal na pagtaas ng presyo sa tatlong sektor:
- Housing, Water, Electricity, Gas, and Other Fuels na nasa 2.1%
- Food and Non-Alcoholic Beverages na bumaba sa -0.2%, indikasyon ng pagbaba ng presyo sa ilang pangunahing pagkain
- Transport na bumaba sa -2.0%
Pasok ang resulta sa naunang inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na naglalaro sa pagitan ng 0.5% at 1.3% para sa buwan ng Hulyo