IBCTV13
www.ibctv13.com

Inflation rate ngayong Oktubre, nanatili sa 1.7% – PSA

Hecyl Brojan
110
Views

[post_view_count]

File photo

Nananatiling mabagal ang galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 1.7% inflation rate para sa buwan ng Oktubre 2025, pareho sa antas noong Setyembre.

“Ito ay kapareho ng antas ng inflation noong September habang 2.3% naman noong October 2024, ang average inflation rate mula Enero hanggang Oktubre ay nasa 1.7%.” saad ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa.

Pasok ito sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 2% hanggang 4%, na senyales ng epektibong hakbang ng pamahalaan upang mapanatili ang presyo at suplay ng pangunahing bilihin sa bansa.

Batay sa datos ng PSA, bumilis ang pagbaba ng presyo ng pagkain, kabilang ang bigas na bumaba sa -17.0% mula -16.9% noong Setyembre, bunsod ng mataas na produksyon at sapat na stock sa merkado.

Kaugnay nito, pinalawig ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rice import ban hanggang sa katapusan ng taon upang mapanatili ang sapat na kabuhayan ng mga magsasaka habang pinapanatiling abot-kaya ang presyo sa mga pamilihan. (Ulat mula kay Jaybee Santiago, IBC News) – IP

Related Articles