IBCTV13
www.ibctv13.com

Inflation rate sa Pilipinas, bumagal sa 1.9% nitong Setyembre

Alyssa Luciano
883
Views

[post_view_count]

Kadiwa store in the National Irrigation Authority (NIA) where consumers can buy low-cost products. (Photo by Princess Jordan, IBC 13)

Bumagal sa 1.9% ang inflation rate sa Pilipinas para sa buwan ng Setyembre ngayong taon ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mabagal kung ikukumpara sa naitalang 3.3% noong Agosto 2024 at sa 6.1% noong Setyembre 2023.

Ito na ang pinakamabagal na antas ng inflation na naitala ng ahensya sa loob ng nakaraang apat na taon.

Pangunahing dahilan sa pagbaba ng inflation rate nitong Setyembre ang mabagal na paggalaw sa presyo ng “food and non-alcoholic beverage” (1.4%); transport (-2.4%); at “housing, water, electricity, gas, and other fuels” (3.2%).

Malayo ang naitalang inflation rate sa inaasahan ng Department of Finance (DOF) na nasa 2.5%.

2% hanggang 2.8% naman ang foecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa nakaraang buwan.

Sa kabuuan, papalo lamang sa 3.4% ang overall inflation sa bansa simula Enero hanggang Setyembre 2024.

Related Articles