
Malaki ang ibinaba ng insidente ng kagutuman sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP) mula Oktubre 2024 hanggang Marso 2025, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mula 48.7%, bumaba pa ito sa 41.5% o katumbas ng 7.2 percentage points.
Ayon sa SWS, dalawang magkasunod na quarter ang naging pagbaba ng hunger incidence sa mga benepisyaryo ng WGP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD):
- Oktubre 2024: 48.7%
- Disyembre 2024: bumaba sa 44.6% (-4.1 percentage points)
- Marso 2025: lalo pang bumaba sa 41.5% (-3.1 percentage points)
Sa tala ng DSWD, 300,000 pamilya na bahagi ng WGP ang patuloy na nakakakain nang mas maayos at nakikinabang mula sa ayuda ng pamahalaan.
“We are seeing early signs of success of the Walang Gutom Program. And as instructed by President Ferdinand R. Marcos Jr., we will expand the program further to 600,000 beneficiaries in the second half of the year to make a bigger and more tangible impact on food poor Filipino households,” pahayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian. – VC