IBCTV13
www.ibctv13.com

Interest rate ng BSP, maaari pang mabawasan dahil sa mababang inflation – DOF chief

Ivy Padilla
170
Views

[post_view_count]

Photo by BARMM

Inihayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na magbibigay-daan ang steady na inflation rate para higit pang bawasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate ng kanilang mga pautang.

Nitong Miyerkules, Pebrero 5, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nanatili sa 2.9% ang headline inflation sa bansa para sa buwan ng Enero 2025.

“Magandang balita ito (This is good news). This is a strong indicator of the government’s commitment to keeping prices stable and signals that the BSP has more flexibility to further reduce interest rates,” saad ni Recto.

Binigyang-diin ni Finance Sec. Recto na ang mababang interest rate ay nangangahulugan ng mas murang ‘borrowing cost’ para sa mga konsyumer at negosyo.

“This will provide greater purchasing power for our people and stronger momentum for investments and growth,” dagdag niya.

Matatandaang binawasan ng Monetary Board ang policy rate ng bangko ng 75 basis points noong nakaraang taon.

Kaugnay nito ay nangako ang kalihim na patuloy magpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang upang matiyak ang matatag na presyo ng pagkain, partikular ng produktong bigas.

“This is a welcome relief for Filipino consumers. But rest assured, the government will not be complacent. We will remain proactive in implementing interventions to ensure stable and affordable rice prices,” pagtitiyak ni Recto. – VC