Isang spillway gate ang nakatakdang buksan sa Magat Dam sa Ramon, Isabela ngayong Lunes ng hapon, Nobyembre 11, bandang 4:00 p.m. ayon sa Magat River Integrated Irrigation System.
Ito ay bilang paghahanda sa ulan na dala ng Typhoon Nika na ngayon ay nag-landfall na sa Dilasag, Aurora.
Ayon sa Magat River Integrated Irrigation System, isang metro ang bubuksan para magpalabas ng 130 cubic meter per second.
Sa huling tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 181.95 meter ang water level ng Magat Dam, mas mababa kumpara sa normal high water level nito na 193.0 meter.
Kasalukuyan namang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 4 sa Ramon, Isabela kasama ang iba pang mga karatig-bayan nito. – VC