IBCTV13
www.ibctv13.com

Isang mananaya mula Mandaluyong, wagi ng higit P331-M jackpot prize sa Grand Lotto 6/55

Divine Paguntalan
211
Views

[post_view_count]

A lucky bettor from Mandaluyong City won the Grand Lotto 6/55 jackpot prize last May 17, 2025. (Photo from PCSO)

Solong mag-uuwi ang isang lucky bettor mula Kalentong, Mandaluyong City ng tumataginting na P331,359,271.20 sa Grand Lotto 6/55 draw na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Mayo 17.

Kwento ng mananaya, halos mawalan na siya ng pag-asa na manalo pa sa lotto. Dumating pa aniya sa punto na kinekwestyon niya na kung may nananalo nga ba sa mga draw.

“Nawawalan na nga ako ng pag-asa, inisip ko may nananalo ba talaga sa Lotto? [Ngayon] nasagot na ang tanong ko, at malaking pagbabago ang maibibigay nito sa buhay ko,” saad ng lucky bettor.

Lucky pick combination ang napili ng mananaya na may winning combination na 30 – 29 – 42 – 28 – 2 – 43.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)

– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)

– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)

– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)

– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

153
Views