Isang maswerteng mananaya ang nanalo ng tumataginting na P32,244,545.60 jackpot prize sa Megalotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Pebrero 3.
Nahulaan ng lucky bettor ang winning digits na 31 – 4 – 17 – 7 – 19 – 27.
Wala namang nakapag-uwi ng P45,903,454.20 jackpot sa Grand Lotto 6/55 na may winning combinations na 35 – 48 – 1 – 18 – 2 – 19.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC