IBCTV13
www.ibctv13.com

Isang mananaya, wagi ng P21.7-M jackpot prize sa Mega Lotto 6/45

Ivy Padilla
169
Views

[post_view_count]

Solong maiuuwi ng isang maswerteng mananaya ang tumataginting na P21,749,042.20 jackpot prize mula sa Mega Lotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Miyerkules, Hunyo 4.

Nahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 42-28-4-29-10-30.

Samantala, bigo namang mapanalunan ang P29,700,000.00 jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na may winning numbers na 53-26-3-22-1-6.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – AL