Nakunan ng Lower Calauit Observation Station (VTLC) ang naganap na ‘phreatic eruption’ sa main crater ng Bulkang Taal sa Batangas bandang 11:51 p.m. nitong Biyernes, Enero 10, na nagdulot ng 900 metrong taas ng abo.
Naitala rin sa Taal ang anim na rockfall events batay sa 24 oras na pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Bukod dito, naglabas din ang bulkan ng 465 tonelada ng asupre kung saan namataan ang panandaliang pamamaga nito.
Kasalukuyang nakaataas sa Alert Level 1 ang Taal Volcano.