IBCTV13
www.ibctv13.com

Isyu sa National Tax Allotment shares ng LGUs, niresolba ni Finance Sec. Recto

Jerson Robles
86
Views

[post_view_count]

Finance Secretary Ralph G. Recto resolved concerns on the computation of the National Tax Allotment shares for local government units with city mayors on Wednesday, January 15, 2025. (Photo from DOF)

Maayos na niresolba ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph G. Recto ang mga isyu kaugnay sa kalkulasyon ng National Tax Allotment (NTA) shares ng mga lokal na pamahalaan nitong Miyerkules, Enero 15.

Sa isang pulong kasama ang city mayors, idinetalye ni Recto ang NTA computations alinsunod sa 2019 Mandanas-Garcia ruling ng Supreme Court at iba pang kaugnay na batas.

Kabilang sa mga dumalong alkalde ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo.

Ipinaliwanag ni Finance Sec. Recto na walang binago o inamyendahan sa proseso.

“We did not change or amend anything. This is based on the Supreme Court ruling and a Development Budget Coordination Committee resolution, which was made in consultation with the LGUs. We are very transparent,” ani Recto.

Nagpaabot ng pasasalamat ang mga alkalde sa DOF para sa pagiging bukas sa talakayan, gayundin sa pagtugon sa kanilang alalahanin.

Kasabay nito ay humingi ng tawad si Baguio City Mayor Magalong kay Secretary Recto dahil sa kanyang naunang pahayag na tila kulang ang ibinibigay sa LGUs.

Tiniyak ni Recto na siya ay ‘one call away’ at handang makipag-usap muli sa mga lokal na pamahalaan upang tulungang palakasin ang kanilang ‘fiscal capacities’ at mas mahusay na paggamit ng mga resources. – IP

Related Articles

National

67
Views

National

Jerson Robles

108
Views