Patuloy nakakaapekto ang dalawang weather systems sa bansa batay sa 4:00 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Oktubre 17.
Magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa timog na bahagi ng Mindanao at lalawigan ng Palawan.
Asahan naman ang mataas na tsansa ng pag-ulan sa silangang bahagi ng Luzon at Eastern Visayas dahil sa Easterlies.
Samantala, walang nakikitang sama ng panahon ang PAGASA sa loob o paligid ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Hinihikayat ang publiko na maging alerto at handa sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. -VC