Nasa P15,840,000 na ang jackpot prize sa Super Lotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito ay matapos bigong mahulaan ang winning combination na 39 – 42 – 23 – 49 – 25 – 31 sa lotto draw nitong gabi ng Martes, Abril 22.
Samantala, pumalo na sa P11,500,000 ang jackpot estimates para sa Lotto 6/42 na maaaring mapanalunan ng lotto bettors dahil walang nakakuha ng winning numbers na 40 – 13 – 35 – 36 – 12 – 14 na binola rin nitong Abril 22.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – AL