IBCTV13
www.ibctv13.com

Jackpot prize para sa Grand Lotto 6/55, pumalo na sa P257-M!

Alyssa Luciano
76
Views

[post_view_count]

Papatak na ng P257 million ang jackpot prize na maaaring maiuwi ng swerteng mananaya sa Grand Lotto 6/55 na bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mamayang gabi, Abril 28.

Ito ay matapos bigong mahulaan ang winning digits na 47- 06 – 36 – 11- 53 – 42 na may jackpot prize na P246,834,924.80 nitong Sabado, Abril 26.

Samantala, aabot na sa P20.5 million ang tinatayang jackpot prize para sa Mega Lotto 6/45 na kasabay na bobolahin mamayang gabi.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)

– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)

– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)

– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)

– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC

Related Articles