Umakyat na sa P229,000,000 ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito ay matapos walang makakuha ng P220,966,382 jackpot noong Miyerkules, Abril 16
Bigong mahulaan ng mga mananaya ang winning numbers na 54 – 8 – 28 – 23 – 52 – 43.
Aabot naman sa P10,000,000 ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 matapos bigong mahulaan ang winning numbers na 5 – 1 – 28 – 29 – 44 – 42.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC