
Milyun-milyong papremyo ang iniuwi ng dalawang masuwerteng mananaya mula sa Samar at Mandaluyong matapos manalo sa major draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakailan.
Mag-isang napanalunan ng 59-anyos na maybahay ang tumataginting na P314.6 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 noong Enero 5, 2025.
Ang kanyang winning combination na 36 – 46 – 16 – 19 – 23 – 27 ay mula sa Lucky Pick na binili niya sa isang mall sa Mandaluyong.
Ayon sa mananaya, regular na siyang tumataya sa lotto at nalaman lamang niya ang panalo matapos tingnan ang resulta sa Facebook page ng PCSO.
Samantala, solo ring inuwi ng mananaya mula sa Samar ang P25-milyong jackpot prize sa MegaLotto 6/45 noong Pebrero 3 gamit ang matagal nang tinatayaan na numerong 31 – 4 – 17 – 7 – 19 – 27.
Narito naman ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – IP