IBCTV13
www.ibctv13.com

Jackpot sa Ultra Lotto, umabot na sa P68.5-M; bigo pa ring mapanalunan

Ivy Padilla
442
Views

[post_view_count]

May tsansa ka pang maiuwi ang tumataginting na P68,510,537.00 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 matapos walang manalo sa 9:00 p.m. draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Pebrero 7. 

Bigong mahulaan ng mga mananaya ang winning combinations na 54 – 47 – 48 – 13 – 8 – 2.

Wala ring nanalo sa Mega Lotto 6/45 draw na may jackpot na P8,910,000.00 matapos walang makahula sa winning digits na 36 – 34 – 43 – 28 – 7 – 29.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)

– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)

– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)

– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)

– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206.