Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng karagdagang Kadiwa store upang magkaroon ng kabuuang 300 sites pagdating ng Quarter 2 ng 2025.
Gusto ng Pangulo na mas mapaigting ang pagpasok dito ng rice programs na Rice-For-All (RFA) at P43 kada kilo ng bigas o mas mababa pa.
Samantala, magbebenta naman ng P29 rice sa mga pili na Kadiwa center ngunit nakadepende pa rin ito sa suplay ng bigas.
Iniulat naman ng Department of Agriculture (DA) na may 148 new sites na ang inaprubahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ngayong 2024 at noong Setyembre rin ay nasa 447 ang fully operational na Kadiwa pop-up stores at on-wheels sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Layon ng Kadiwa na mailapit sa mga konsyumer, partikular sa vulnerable sector gaya ng senior citizen, solo parents, persons with disabilities (PWDs) at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang masustansya at sariwang agricultural products at iba pang basic commodity sa murang halaga. – VC