IBCTV13
www.ibctv13.com

Kakulangan sa silid-aralan, digital gap, target solusyunan sa pamamagitan ng PPP — DepEd

Divine Paguntalan
182
Views

[post_view_count]

(Photo by DepEd)

Plano ng Department of Education (DepEd) na solusyunan ang backlog na 165,000 classrooms sa mga paaralan sa bansa sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP).

Target ng ahensya na makapagpatayo ng 15,000 silid-aralan bago ang taong 2027 kung saan libu-libong mga mag-aaral ang makikinabang sa iba’t ibang panig ng bansa.

“The classroom gap is a massive challenge, but we believe that leveraging private investments through PPPs is the most efficient and sustainable way to address this,” pahayag ni Education Secretary Sonny Angara.

Sa unang bahagi ng PPP School Infrastructure Project (PSIP) na nagkakahalaga ng P37.5 bilyon hanggang P60-bilyon, makikinabang ang higit 600,000 mag-aaral.

Bukod dito, inaasahan na makalilikha ang proyekto ng higit 18,000 trabaho kabilang ang teaching at non-teaching positions.

Nauna nang ipinaliwanag ni Angara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang pinakamabisang paraan ang PPP upang mabilis at tuluy-tuloy na matugunan ang kakulangan sa pasilidad ng mga paaralan.

Kasabay nito, tinututukan din ng DepEd ang pagsusulong ng digital transformation upang mapabuti pa ang kalidad ng paraan ng pagtuturo sa mga kabataan.

Sisimulan ang proyekto sa 2026 kung saan bibigyan ng kuryente ang mga paaralan sa malalayong lugar upang magkaroon ng internet gamit naman ang Low Earth Orbit (LEO) satellite technology.

Isusunod naman sa proyekto ang pagbibigay ng tablets para sa mga mga-aaral habang laptop naman sa mga guro.

“With a combination of strategic partnerships and digital investments, DepEd is committed to bridging both the classroom and digital divides to create a future-ready education system producing competitive and highly employable graduates,” dagdag ni Angara. – VC

Related Articles